Recent Posts

Breaking News

UFC fighter tinawag na duwag si LeBron

Binira ni dating interim Ultimate Fighting Championship (UFC) welterweight champion Colby Covington si National Basketball Association (NBA) superstar LeBron James na tinawag niyang “walang gulugod na duwag” matapos ang laban sa UFC Fight Night main event nitong Linggo (Manila time).

Nagwagi siya kay Tyron Woodley saka nagpasalamat sa mga first-responder at sundalo na walang-sawang umaaksiyon ngayong may coronavirus disease.

Pero kabaliktaran naman ang naging ihip ng hangin nang banatan ni Covington ang “nagising na atleta”.

“I want to dedicate this fight to all the first responders, all the military out there. This world would not be safe without you guys, you keep us safe, and not these woke athletes. I’m sick of these spineless cowards like LeBron James,” banat ni Covington sa Los Angeles Lakers main man.

Inihayag din ni Covington ang kanyang suporta sa re-election bid ni US President Donald Trump sa darating na Nobyembre.

The post UFC fighter tinawag na duwag si LeBron first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/ufc-fighter-tinawag-na-duwag-si-lebron/)

Walang komento