Recent Posts

Breaking News

Tyson ‘tinitigasan’, ‘nilalabasan’ kapag nagboboksing

Pinagtapat ni boxing legend Mike Tyson na sa sobra niyang ligaya at excited sa pagboboksing ay may pagkakataong tinitigasan siya ng putotoy habang nasa ring.

Bukod doon ay “nilalabasan” din umano ang dating undisputed world heavyweight champion.

“It’s orgasmic sometimes. What does it mean when fighting gets you erect? Well that’s how I’d get when I was a kid. Sometimes I’d get the twinkle,” aniya nang tanungin sa Joe Rogan podcast tungkol sa pagmamahal niya sa boxing.

Plano ng 54-year-old boxer na umapak muli sa ring sa November 2020 laban kay Roy Jones Jr., para sa eight-round exhibition fight sa California.

First time itong mangyayari mula nang magretiro si Tyson sa pagboboksing noong 2005.

Ngayon ay interesado raw siyang makipagsapakan muli para makapagpasaya ng iba at hindi para sa kanyang sarili.

“I’m just interested in fighting for the title of giving. It feels soul-cleaning for some reason. Doing it for myself doesn’t do it for me no more,” aniya.

Bago magretiro, tatlong kabiguan ang natamo ni Tyson sa huling apat niyang laban, kabilang ang sixth round loss kay Kevin McBridge, 15 taon na ang nakalipas.

The post Tyson ‘tinitigasan’, ‘nilalabasan’ kapag nagboboksing first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/tyson-tinitigasan-nilalabasan-kapag-nagboboksing/)

Walang komento