Recent Posts

Breaking News

Trump ayaw magbayad sa WADA, US isusuka sa Olympics

Posibleng hindi makasali ang powerhouse country ng USA sa Tokyo Olympics kung sakaling magmamatigas si American President Donald Trump na huwag ibigay ang pondo para sa World Anti-Doping Agency (WADA).

Ayon kay WADA President Witold Banka, mga atleta sa USA ang magdudusa sakaling ipagdamot ni Trump ang pondo, dahil maaring maparusahan ang mga ito dahil sa kanilang presidente.

Ito’y matapos na irekumenda ng White House Office of National Drug Control Policy (ONDCP) na ipitin ang pondo para sa WADA kung hindi bibigyan ng sapat na decision-making power ang USA sa naturang ahensya.

Kada taon, nagbibigay ang Estados Unidos ng $2.7M sa WADA, ang pinakamalaki kumpara sa ibang bansa.

Sa ilalim ng rules ng International Olympic Committee,kailangang pumasa ang mga atleta sa WADA Code bago ito makapaglaro sa malaking sporting event, at anumang bansa na nagpasaway sa WADA ay may posibilidad na ma-ban ang kanilang mga atleta sa Olympics.

The post Trump ayaw magbayad sa WADA, US isusuka sa Olympics first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/trump-ayaw-magbayad-sa-wada-us-isusuka-sa-olympics/)

Walang komento