Recent Posts

Breaking News

Tolentino: Army Aviation Regiment isama sa rescue, relief ops

Sinusulong ni Senador Francis Tolentino na maging bahagi ng recue operation at relief operation sa panahon ng kalamidad ang Army Aviation Regiment sa Fort Magsaysay.

Ginawa ni Tolentino ang panukala sa confirmation hearing ni AFP chief of staff Lt. Gen. Gilbert Gapay sa Commission on Appointments noong Miyerkules.

“Pangarap ko rin naman dumating iyong pagkakataon na kapag nagkaroon tayo ng disasters, iyong mga air assets ng Coast Guards, Air Force, Navy and the Philippine National Police (PNP) will be joined by the Army Aviation Regiment in distributing relief items to our distressed countrymen,” sabi ni Tolentino.

Sabi ni Gapay, ang pag-develop sa Army Aviation Regiment bilang isang puwersa ng Philippine Army ay maaring naman ipakalat kahit saan lugar sa bansa.

“As the battlefield becomes more complicated and intricate, the more that we need capabilities such as an aviation unit for the Philippine Army,” ani Gapa.

“There is an ongoing training for rotary wing pilots in preparation for the delivery of the modern equipment coming from the AFP modernization,” dagdag nito.

Sa nasabing pagdinig, inihayag ni Tolentino na nakatakdang tanggapin ng AFP ang isang United States 4 Black Hawk helicopters at apat na Cobra helicopters na makakatulong sa pagpapalakas ng air defense capability ng Army Aviation Regiment.

Hinikayat din ni Tolentino si Gapay na magtayo ng airstrip para sa Army Aviation Regiment in Kalayaan Island at Fuga Island.

“The AFP is identifying airstrips all over the country where we could put detachments not only for the Army but for the Philippine Air Force as well,” sagot naman ni Gapay.

“Usually, when it comes to airstrips there will be dual use some would be civilian and military use but there are also a few dedicated for military use only just like the one in Lumbia where it used to be a civilian-military use, now it’s purely military administered by the Air Force,” dagdag pa nito.

The post Tolentino: Army Aviation Regiment isama sa rescue, relief ops first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/tolentino-army-aviation-regiment-isama-sa-rescue-relief-ops/)

Walang komento