Recent Posts

Breaking News

TNT liyamado na sa ‘bubble’

Sakaling matuloy ang pinaplanong “Bubble Season” ng PBA, malaking puntos na ito sa TNT KaTropa.

Matapos kasing payagan ng IATF na magsagawa ng training ang PBA ay tila sinanay na ng TNT ang kanilang koponan nang mag-ala-bubble sila sa Inspire Academy sa Calamba, Laguna.

Pagkabigay ng ‘green light’ ng IATF, agad silang nagtungo sa nasabing sports compound at nag-ensayo ng 15 araw.

Ang nasabing compoud na pagmamay-ari ng National University ay kumpleto mula sa gym, court at tulugan.

Matatapos ang kanilang training sa Calamba sa darating na Setyembre 9.

The post TNT liyamado na sa ‘bubble’ first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/tnt-liyamado-na-sa-bubble/)

Walang komento