Recent Posts

Breaking News

Tinawag na basura! Westbrook pinatulan kapatid ni Rondo

Isa si Russell Westbrook sa mga NBA star na kilala sa pagpatol sa mga fan, at ngayon ay kamag-anak naman ng kapwa player ang nakaalitan nito.

Sa Game 5 ng bakbakang LA Lakers at Houston Rockets, biglang tumalas ang tingin ni Westbrook sa stands at tila may kausap sa bench.

Dito na nalaman na ang kasagutan pala ni Westbrook ay si William Rondo, ang kapatid ng Los Angeles guard na si Rajon Rondo.

Dahil sa pagsiklab ng emosyon, kaagad na pinaalis sa venue ang miron.

Ayon kay Westbrook, “People at the game are supposed to shut their mouth and watch the game. That’s the rules. (Rajon) Rondo was talking sh*t. So, he decided to hop in, too.”

Bago payagan ang mga pamilya ng NBA player sa bubble, naglabas na ng memo kung saan pinagbabawal ang profanity o masasamang salita mula sa mga guest.

Kwento naman ni Rajon, sinabihan umano ng kanyang kapatid na ‘trash’ o basura si Westbrook.

 

 

The post Tinawag na basura! Westbrook pinatulan kapatid ni Rondo first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/tinawag-na-basura-westbrook-pinatulan-kapatid-ni-rondo/)

Walang komento