Recent Posts

Breaking News

Tim Duncan tatapatan! Kai Sotto gusto maglaro sa Spurs

Sky is the limit para kay Pinoy phenom Kai Sotto ngayong malapit na itong magpamalas ng talento para sa G League ignite kung saan makakalaro nito ang kapwa niya big recruit para makatungtong sa NBA.

At ngayon pa lang, dagsa na ang papuri para sa 7-foot-1 behemoth.

Ayon kay Brian Shaw, ang head coach ni Sotto sa Ignite, kaya ni Kai na maabot ang kakayahan ng prime big man ng Denver Nuggets na si Nikola Jokic.

“I think Kai, with a lot of bigs in the NBA, has the ability to play like Jokic,” saad ni Shaw.

Ngunit kung si Kai ang tatanungin, isang future Hall of Famer ang nais na gayahin ni Kai, ito ay walang iba kundi ang San Antonio Spurs legend na si Tim Duncan.

Kung titingnan ang galaw ni Kai, sakto ito kay Duncan, na tinaguriang ‘Big Fundamental’ dahil sa kanyang mga simple ngunit epektibong galaw sa court, na naging dahilan ng limang kampeonato para sa Spurs.

At nang matanong si Kai kung saang team gusto niya maglaro sa mga nakapasok sa NBA playoffs, Spurs ang sinagot ni ‘Kaiju’ kahit pa talsik na ito sa post-season.

“I want to say the Spurs, but the Spurs are not in the playoffs anymore,” lahad ni Sotto sa Nets Daily.

Kung tutuusin, hindi ito imposible lalo’t kilala ang Spurs sa pagkahilig sa mga international player, kung saan nakilala ang mga manlalaro tulad nina Manu Ginobili mula Argentina at French man Tony Parker.

The post Tim Duncan tatapatan! Kai Sotto gusto maglaro sa Spurs first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/tim-duncan-tatapatan-kai-sotto-gusto-maglaro-sa-spurs/)

Walang komento