Recent Posts

Breaking News

‘The Walking Dead’ tatapusin na sa 2022

Ipalalabas na ang huling season ng record-breaking zombie show sa US na “The Walking Dead”.

Sa announcement ng network na AMC, binubuo ng 24 episodes ang Season 11 ng TWD na ipalalabas sa late 2021 hanggang 2022.

Matapos man ang series, muling magsasama ang mga bida nitong sina Daryl Dixon (Norman Reedus) at Carol Peletier (Melissa McBride) para sa isang spinoff series sa 2023.

Iba pang spinoff ng TWD ang “Fear the Walking Dead” na umere noong 2015, at “The Walking Dead: World Beyond” — bagong series na magde-debut sa October 4.

Unang ipinalabas ang TWD noong 2010, na paulit-ulit bumasag sa mga cable audience record lalo na noong Season 5 (2014), na humakot ng 17.3 million viewers.

Nagsimulang bumaba ang viewers nito noong 2017 nang isa-isang mamatay ang original cast gaya nina Glenn Rhee (Steven Yeun) at Carl Grimes (Chandler Riggs).

The post ‘The Walking Dead’ tatapusin na sa 2022 first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/the-walking-dead-tatapusin-na-sa-2022/)

Walang komento