Recent Posts

Breaking News

Tatum mamaw! Celtics vs Heat sa NBA East Finals

Matagumpay ang Boston Celtics sa pagtaob ng defending champions na Toronto Raptors sa Game 7 ng NBA East Conference semifinals.

Nanguna para sa Celtics si Jayson Tatum at Jaylen Brown, na maagang bumuhos ng puntos para makasabay sa Raptors.

Tumapos si Tatum tangan ang 29 points, 12 rebounds at seven assists, habang may 21 points at eight rebounds si Brown.

Nakadikit pa ang Toronto sa dulo, 87-89, ngunit nagtulong sina Tatum at Kemba Walker para tuluyang maselyuhan ang serye, 92-87.

Nanguna para sa Toronto si Fred VanVleet na may 20 points at six assists, habang grumaduate naman sa laro si Kyle Lowry na nag-ambag ng 16 points at anim ding dimes.

Haharapin ng Celtics ang nakapagpahinga nang Miami Heat ni Coach Erik Spoelstra sa East Finals.

The post Tatum mamaw! Celtics vs Heat sa NBA East Finals first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/tatum-mamaw-celtics-vs-heat-sa-nba-east-finals/)

Walang komento