Recent Posts

Breaking News

SWS: 57% ng Pinoy naniniwalang lalala pa COVID-19 crisis

Lumabas sa ginawang survey ng Social Weather Stations (SWS) na 57 porsyento ng mga Pilipino ang naniniwalang mas lalala pa ang COVID-19 crisis sa bansa.

Isinagawa ang survey mula July 3 hanggang July 6.

Mas mataas ng sampung puntos ang resulta ng survey na isinagawa noong July kung ikukumpara sa May 2020 survey na 47% ng mga Pilipino ang nagsabing nakikita nila ang “worst-case scenario” sa pandemya.

Samantala, 35% ng mga Pilipino ang naniniwalang nalalagpasan na ng bansa ang pandemic.

Mababa ito sa naitalang 44% noong May survey habang ang natitirang 8% ay walang isinagot sa tanong sa survey.

Sa ngayon, Sept. 15, umakyat sa 269,407 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng coronavirus sa bansa, 57,392 ang active case; 207,352 ang gumaling at 4,663 ang pumanaw.

The post SWS: 57% ng Pinoy naniniwalang lalala pa COVID-19 crisis first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/sws-57-ng-pinoy-naniniwalang-lalala-pa-covid-19-crisis/)

Walang komento