Recent Posts

Breaking News

Suspek sa hit-and-run sa nurse sumuko kay Isko

Sumurender kay Mayor Isko Moreno nitong Huwebes ng hapon ang suspek sa nangyaring hit-and-run sa Maynila na nakapatay sa isang nurse.

Kinilala ang suspek na si Mohamad Ali Sulaiman.

Siya ay kapatid ni Saudah Bacaye, ang may-ari ng itim na pick-up truck na sangkot sa pagkakapatay ng nurse na si Renz Jayson Perez.

Ang pagsuko ni Sulaiman ay dahil umano sa pagsisikap ni Datu Basher Alonto, chairman ng Metro Manila Muslim Community for Justice and Peace; at ng lokal na pulisya.

Humingi ng paumanhin ang driver ng pick-up truck sa nangyari.

Aniya, hindi muna siya lumitaw dahil nadala siya ng takot.

Nakiusap naman si Moreno kay Bacaye na tulungan ang pamilya ng biktima.

“Maging takdang aral sa atin ito sa pagpapahiram ng sasakyan. I think your lawyer will agree with me, that there is a level of responsibility as an owner. Ang pakiusap ko lang ay puwede, sana matulungan n’yo po ‘yung pamilyang naiwan,” saad ni Moreno.

Agosto 23 ng gabi, nagbibisikleta si Perez sa Padre Burgos Avenue nang masalpok ng pick-up truck bago tumakas ang sasakyan patungong Delpan Bridge.

Nadala pa ang biktima sa Philippine General Hospital pero dineklarang dead on arrival.

The post Suspek sa hit-and-run sa nurse sumuko kay Isko first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/suspek-sa-hit-and-run-sa-nurse-sumuko-kay-isko/)

Walang komento