Recent Posts

Breaking News

Subic beach bukas na sa mga turista

Welcome na sa Subic, Zambales ang mga turistang nasa mga lugar na nakalagay sa modified general community quarantine (MGCQ).

Ayon sa ulat, sinabi ni Subic Bay Metropolitan Authority Administrator Wilma Eisma, kailangan pa ring sumunod ang mga magtutungo sa lalawigan sa mga health protocol gaya ng pagsusuot ng face mask at shield pati na sa social distancing.

Ilang beach resort din ang nagpapasulat sa contact tracing at health form bago magpapasok.

Nilimitahan naman ng ibang resort ang kanilang guest sa 80 hanggang 130 para iwas kumpulan ng mga tao.

The post Subic beach bukas na sa mga turista first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/subic-beach-bukas-na-sa-mga-turista/)

Walang komento