Recent Posts

Breaking News

Steve Nash bagong coach nina Durant, Irving

Unang tapak ni Steve Nash bilang head coach, bigatin agad ang kanyang mga hahawakan.

Inanunsyo ni Brooklyn Nets general manager Sean Marks na ang Hall of Famer ang kanilang bagong head coach matapos itong pumirma ng four-year contract.

“In Steve we see a leader, communicator and mentor who will garner the respect of our players. I have had the privilege to know Steve for many years. One of the great on-court leaders in our game, I have witnessed firsthand his basketball acumen and selfless approach to prioritize team success,” saad ni Marks sa isang statement.

Dating naging magkakampi sina Marks at Nash noong sila’y naglalaro pa para sa Phoenix Suns, kung saan nasungkit ng huli ang dalawang MVP trophy, tatlong All-NBA first team selectee, at limang league assist leader.

Ito ang kauna-unahang coaching job ng Hall of Famer, ngunit dati na rin itong nagsibi bilang consultant para sa Golden State Warriors, kung saan nagkaroon na sila ng pagsasama ni superstar Kevin Durant bago ito lumipat sa Nets.

Samantala, inaasahan din na malaking tulong si Nash sa isa pang All-Star ng Brooklyn na si Kyrie Irving, lalo’t parehas ang kanilang posisyon sa NBA.

“Coaching is something I knew I wanted to pursue when the time was right, and I am humbled to be able to work with the outstanding group of players and staff we have here in Brooklyn,” lahad ni Nash. “I am as excited about the prospects of the team on the court as I am about moving to Brooklyn with my family and becoming impactful members of this community.”

The post Steve Nash bagong coach nina Durant, Irving first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/steve-nash-bagong-coach-nina-durant-irving/)

Walang komento