Recent Posts

Breaking News

Standby sa dengue outbreak: Red Cross doble-kayod sa blood donation

Titiyakin ng Philippine Red Cross (PRC) na sapat ang supply ng dugo sa bansa sakaling magkaroon ng dengue outbreak.

Ayon kay PRC chairman at Senador Richard Gordon, paiigtingin nila ang mga blood donation drive lalo na ang platelets.

“Both COVID-19 and dengue cause fever and we can only confirm it through swab test, particularly the children,” pahayag ni Gordon nitong Sabado.

“We must also anticipate the need for blood supply, most especially platelets. Red Cross will ramp up blood donations to make sure we have enough supply of blood in case there will be an outbreak of dengue cases,” dagdag ng senador.

Noong September 4 iniulat ng Department of Health na 76% ang ibinaba ng kaso ng dengue sa Pilipinas ngayong taon at maging ang ibang disease gaya ng leptospirosis (59%), cholera (67%) at typhoid fever (65%) ay bumaba rin.

The post Standby sa dengue outbreak: Red Cross doble-kayod sa blood donation first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/standby-sa-dengue-outbreak-red-cross-doble-kayod-sa-blood-donation/)

Walang komento