Recent Posts

Breaking News

Sinigurong ‘di makukulong! Mga drug trafficker patayin – Duterte kay Customs chief Guerrero

Hindi kuntento si Pangulong Rodrigo Duterte sa ipinapatupad na paghihigpit ni Bureau of Customs Chief Rey Leonardo Guerrero sa ahensiya dahil patuloy pa ring nakakapasok ang iligal na droga sa bansa.

Sa kanyang mensahe sa bayan nitong Lunes ng gabi, sinabi ng Pangulo na ibinigay naman ang hiniling ni Guerrero na pagbili ng mga baril para armasan ang mga tauhan sa Customs subalit hanggang ngayon ay wala pa ring nasasampulang sangkot sa iligal na droga.

“Drugs is still flowing inside the country sa Customs. Sabi ko I approved the purchase of firearms and until now wala ka napatay ni isa? So sabi ko sa kanya ‘shape up’,” anang Pangulo.

Iginiit ng Pangulo na hindi matigil-tigil ang pagpasok ng iligal na droga sa bansa kahit tiniyak na niya kay Guerrero na hindi ito makukulong basta barilin at patayin lamang ang mga sangkot sa sindikato.

Hndi aniya dapat magtiwala at makampante si Guerrero sa mga taong nakapaligid sa kanya, lalo na kung ang mga ito ay kabisado na ang pasikot-sikot sa ahensiya at nagboluntaryong tutulong pero sa bandang huli ay siya pala ang napapaikutan ng mga ito.

“Kaya sabi ko sa kanya, ang droga pumapasok pa rin. Gusto ko pumatay ka diyan ng… Tutal back-up an kita, hindi ka makulong. Basta droga barilin mo, patayin mo.iyan ang usapan eh, tsk,” dagdag ng Pangulo.

Naging kapansin-pansin na kahit sa kabila ng umiiral na lockdown sa nakalipas na limang buwan ay marami pa ring nasasakote ang mga awtoridad na iligal na droga at mga sangkot na sindikato.

The post Sinigurong 'di makukulong! Mga drug trafficker patayin - Duterte kay Customs chief Guerrero first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/sinigurong-di-makukulong-mga-drug-trafficker-patayin-duterte-kay-customs-chief-guerrero/)

Walang komento