Recent Posts

Breaking News

Simba sa NCR pwede hanggang 10% ng venue capacity – Roque

Ayon sa Palasyo, sa National Capital Region ay pwede nang magkasa ng mga religious gathering na abot hanggang 10 porsiyento ng seating capacity ng pagdarausang lugar.

Sabi ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque ngayong Martes, Setyembre 1.

Batay aniya ito sa napagkasunduan ng lahat ng 17 alkalde sa Metro Manila.

Matatandaang kinuwestiyon noon ni Manila Archdiocese apostolic administrator Bishop Broderick Pabillo ang patakaran ng gobyerno na hanggang 10 katao lang ang pwedeng magmisa sa mga lugar na nakasailalim sa general community quarantine (GCQ) noong Agosto.

Samantala, pinalawig ang GCQ status ng NCR mula Setyembre 1 hanggang 30.

The post Simba sa NCR pwede hanggang 10% ng venue capacity - Roque first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/simba-sa-ncr-pwede-hanggang-10-ng-venue-capacity-roque/)

Walang komento