Recent Posts

Breaking News

Shunga! Delivery rider ng package na may marijuana inaresto, mga netizen umalma

“Bakit ‘yung delivery rider–na hindi alam ang laman ng package–ang hinuli, at hindi ang nag-book o tatanggap ng package na may marijuana?”

Ito ang nagkaisang saloobin ng mga netizen matapos mabasa ang ulat na pinosasan ng awtoridad kahapon ang isang delivery app rider na pinick-up ang isang package sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

May higit P800,000 na high-grade marijuana mula Canada sa nasabing package, pero sabi ng rider ay hindi niya alam na may droga ito.

Sa ngayon, ayon sa ulat, nagkasa na ng follow-up operation ang Philippine Drug Enforcement Agency-NAIA upang malaman kung sino ang nakatakdang tumanggap ng idedeliber sanang package ng rider.

Gigil na gigil ang mga netizen at sinabing hindi kasalanan ng rider ang package.

Kinuwestiyon din ng madla kung bakit hindi na-detect sa NAIA ang naturang marijuana.

The post Shunga! Delivery rider ng package na may marijuana inaresto, mga netizen umalma first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/shunga-delivery-rider-ng-package-na-may-marijuana-inaresto-mga-netizen-umalma/)

Walang komento