Recent Posts

Breaking News

Senate findings napakinabangan ng Task Force PhilHealth – lacson

Napakinabangan umano ng Justice Department-led task force ang Senate findings sa sa iregularidad sa PhilHealth para kasuhan ang mga ilang mga opisyal ng state health insurer, ayon kay Senador Panfilo Lacson.

Subalit ayaw magbigay ni Lacson ng komento sa hindi pagsama ng task force kay Health Secretary Francisco Duque III sa mga kakasunan kaugnay ng katiwalian sa ahensiya.

Si Lacson ang nagbunyag ng kuwestiyonableng cash advance sa pondo ng PhilHealth gayundin ang overpriced’ na IT equipment.

“I want to read the full text of the report first so I can make a more intelligent analysis and responsive comments,” pahayag ni Lacson sa ipinadalang statement sa mga reporter.

“Let me just say at the outset that obviously, the materials that we provided and shared with Sec. [Menardo] Guevarra and the composite task force were put into good use at the very least,” dagdag nito.

Noong Lunes ng gabi, inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng task force apra sampahan ng kasong kriminal at administraibo laban sa ilang opisyal ng PhilHealth na sangkot sa iregularidad.

Ang mga pinakakasuhan ay sina resigned PhilHealth chief Ricardo Morales, Senior Vice President (SVP) Jovita Aragona, Officer in Charge Calixto Gabuya Jr., SVP Renato Limsiaco Jr., SVP Israel Pargas, Executive Vice President and Chief Operating Officer Arnel de Jesus, at Division Chief Bobby Crisostomo.

“This is good reason enough to feel gratified that the Senate did its share in taking the first big stepin putting to justice those liable for the misuse and abuse of public monies accountable,” sabi ni Lacson.

“At least, for a change, we can hope that these ‘vultures’ will suffer for their misdeeds to satisfy their greed at the expense of the sick and the unhealthy among our countrymen,” sambit pa nito.

Pinuri naman ni Senador Christopher Go, chairperson ng Senate committee on health, ang task force sa kanilang hakbang.

“Inaasahan kong tututukan din ng DOJ ang pagsasampa ng mga kaukulang kaso at siguraduhing mahatulan at makulong ang mga nagkasala. Hindi pwedeng hanggang imbestigasyon lang tayo, kailangan may agarang aksyon at may makulong,” sabi ni Go.

“I also expect the new leadership of PhilHealth to use the findings of the report in its internal cleansing to prevent these from happening again, and in order to improve its services for the betterment of our people,” dagdag nito. (Dindo Matining)

The post Senate findings napakinabangan ng Task Force PhilHealth – lacson first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/senate-findings-napakinabangan-ng-task-force-philhealth-lacson/)

Walang komento