Recent Posts

Breaking News

Sayang effort! Manila Bay white sand lulubog lang – Pinoy geologist

Para kay UP professor at Project NOAH executive director Mahar Lagmay, sablay ang proyekto ng Department of Natural Resources na lagyan ng puting buhangin ang baywalk sa Manila Bay.

Saad ni Lagmay, na may doctorate degree sa geology, aalunin lang din mula sa pampang ang mga naturang buhangin at lulubog din sa ilalim ng karagatan.

Ibig sabihin ay hindi rin magtatagal at mauubos ang toneladang buhangin na ibubuhos sa Manila Bay.

“I predict that all that white sand will be washed out from the coastline and brought to the bottom of deeper water,” tingin ni Lagmay.

Ayon kay DENR Undersecretary Benny Antiporda, ang naturang proyekto ay para malinis ang Manila Bay.

Ang naturang buhangin ay parteng Manila Bay Rehabilitation Program mula pa noong 2017, kung saan balak na buhusan ng mga pinulbos na dolomite rock mula Cebu ang 500 metro ng baywalk.

The post Sayang effort! Manila Bay white sand lulubog lang - Pinoy geologist first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/sayang-effort-manila-bay-white-sand-lulubog-lang-pinoy-geologist/)

Walang komento