Recent Posts

Breaking News

Saso asam ang 1st major title

Limitado sa preparasyon at nahaharap sa tigasing mga Haponesang karibal si Yuka Saso, pero kumpiyansa ang PH bet sa hindi lang pangatlong korona sa panlimang torneo kundi unang major title sa pagsiklab ngayon ng 53rd ¥200M JLPGA Championship Minolta Cup 2020 sa JFE Seto Inland Sea Golf Club sa Okayama, Japan.

Lider ang 19-year-old Fil-Japanese rookie pro sa money race nang makadalawang titulo na sa pinaigsi ng Covid-19 na mayamang sport ciruit sa kontinente kahit buhat sa pagtabla lang sa 29th place sa nitong Linggong 20th Golf 5 Ladies Pro Golf Tournament 2020 sa Gifu Prefecture Honshu.

Kakasahan ng tubong San Ildefonso, Bulacan golfer sina Momoko Ueda, na pumang-anim sa 44th Women’s British Open 2020 sa Scotland nitong Agosto 20-23, 16-time Japan Ladies Professional Golf Association titlist Ai Suzuki, Golf 5 tilt runaway winner Sakura Koiwai at Earth Mondahmin Cup champion Ayaka Watanabe.

Nasa 131 ang tatapat sa NEC Karuizawa at Nitori Ladies queen na si Saso sa 72-hole, four-day golfest na magkakaloob sa reyna ng ¥36M (₱16.5M)cash prize . (Ramil Cruz)

The post Saso asam ang 1st major title first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/saso-asam-ang-1st-major-title/)

Walang komento