Recent Posts

Breaking News

Sarado mga sementeryo sa NCR sa Okt. 29-Nob. 4

Ikakandado ang lahat ng mga pampubliko at pribadong sementeryo sa National Capital Region o Metro Manila mula Oktubre 29 hanggang Nobyembre 4, 2020.

Ito ang napagkasunduan ng mga alkalde ng rehiyon at 8 kalihim ng Gabinete sa kanilang pulong kahapon, ayon kay Metro Manila Council (MMC) chairperson at ParaƱaque City mayor Edwin Olivarez.

“Pinagkasunduan po [ito] para unified. Iisang policy lang ang i-implement natin sa darating na Undas,” wika ni Olivarez sa ABS-CBN’s TeleRadyo ngayong Lunes, Setyembre 14.

Dahil dito, ia-adjust ng Maynila ang naunang anunsiyo nitong 4-araw na pagsasara ng sementeryo.

Sabi ni Olivarez, papayagan ang mga tindero sa paligid ng mga sementeryo bago ang closure.

Samantala, bawal pa rin uminom ng alak at magsugal doon.

Babantayan aniya ng mga pulis at barangay officer ang mga sementeryo para matiyak na susundin ang mga health protocol laban sa pagkalat ng coronavirus.

The post Sarado mga sementeryo sa NCR sa Okt. 29-Nob. 4 first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/sarado-mga-sementeryo-sa-ncr-sa-okt-29-nob-4/)

Walang komento