Recent Posts

Breaking News

Sapul ng virus sa India 4M na

Ang kabuuang bilang ng mga nadapuan ng coronavirus disease 2019 sa India ay pumalo na sa 4,023,179.

India ang pangatlo sa listahan ng mga bansang may pinakamaraming kaso ng COVID-19 sa buong mundo. Una ang Amerika na may higit anim na milyon, sumunod ang Brazil na may apat na milyon din.

Mula rin sa datos ng Johns Hopkins CSSE, 3,107,223 na ang gumaling habang 69,561 na ang yumao mula sa virus sa India.

The post Sapul ng virus sa India 4M na first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/sapul-ng-virus-sa-india-4m-na/)

Walang komento