Recent Posts

Breaking News

Sapul ng COVID-19 sa US, 6M na

Umakyat na sa anim na milyong indibidwal ang nadapuan ng sakit na coronavirus sa United States.

Ayon din sa Johns Hopkins University, 6,027,111 na ang kabuuang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 doon.

Ang US ang nangunguna sa 188 sulok ng mundo batay sa dami ng mga naging coronavirus-positive na pasyente.

Samantala, 2,184,825 naman na ang gumaling habang 183,499 ang ginupo ng virus sa Amerika.

As of now, lampas 78 milyon na ang naisagawang COVID-19 test sa nasabing bansa na may nasa 330 milyong populasyon.

The post Sapul ng COVID-19 sa US, 6M na first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/sapul-ng-covid-19-sa-us-6m-na/)

Walang komento