Recent Posts

Breaking News

Sapul ng COVID-19 sa Kamara 74 na

May isa pang security staff ng House of Representatives na nahawa sa COVID-19.

Kinumpirma ito ni House Secretary General Jose Luis Montales ngayong Lunes, Setyembre 14.

Kaya naman, umakyat na ang kabuuang bilang ng mga kaso ng coronavirus sa Kamara sa 74. Kabilang dito ang 14 active case.

Winika ni Montales na huling pumasok sa trabaho ang security staff noong Setyembre 2. Matapos magkaroon ng lagnat ay sumailalim ito sa coronavirus testing.

Nagpapatuloy naman aniya ang contact tracing kaugnay sa bagong nagpositibong kawani.

Samantala, pinaalala ni Montales sa kanilang mga kasapi na papatawan ng parusa ang sinumang lalabag sa health at safety protocols ng Kamara.

The post Sapul ng COVID-19 sa Kamara 74 na first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/sapul-ng-covid-19-sa-kamara-74-na/)

Walang komento