Recent Posts

Breaking News

Rustom, Piolo naghalikan – BB

Kinuwento ni BB Gandanghari na nagkaroon ng relasyon sa pagitan ng kanyang dating katauhan na si Rustom Padilla at isang sikat na aktor habang nasa San Francisco, California sila.

Sa kanyang latest YouTube livestream video na pinamagatang “I Left My Heart in San Francisco: Who is David and Jonathan?”, nilahad ni BB na nangyari ang insidente noong 2001.

“David” ang pinalit niya sa pangalang Rustom at “Jonathan” naman ang tinawag niya sa sikat na aktor.

“Alam niyo na kung sino si David at Jonathan, but just so maingatan natin ‘yung punto ng kuwento na this is still about love, excuse me, as far as Rustom is concerned. Hayaan natin itong tawagin na David and Jonathan para maiwasan ‘yung mga salitang nakakasakit,” aniya.

Sinubukan naman ni BB na itago sa pangalang David at Jonathan si Rustom at ang aktor, pero ilang beses ding dumulas sa dila niya ang mga pangalang Rustom at “Piolo.” Hindi malinaw kung pinatutungkulan niya si Piolo Pascual.

Anyway, nag-umpisa ang istorya ni BB sa rehearsals ng passion play na Kristo, na tinanghal nang 2001 sa San Francisco, California sa US. Bukod kay Rustom, gumanap din doon sina Alice Dixson, Rosanna Roces, Mat Ranillo III, Rez Cortez, Judy Ann Santos, at Piolo Pascual.

Ayon kay BB, awkward sa play rehearsal sina David at Jonathan pero matapos ang show ay nagkayayaan sila sa isang club.

“Nag-umpisa bilang buddies, enjoying each other’s company… They just danced the whole night. It was a night to remember… Rustom, after a long time, genuinely felt cared for… hindi lang dahil kay Piolo, pero lahat ng kasama niya at that time was really very… That made the night more memorable,” aniya pa.

Nag-click aniya sina David at Jonathan noong gabing ‘yon, at magkaibigan lang sila noon.

“Before anything, kaibigan, kaibigan ang nakita ni David, masayang kasama, mukhang fearless and, basically, the whole night, they were on the same page. Nagpunta sila du’n sa bahay and they drank more, kuwentuhan, kuwentuhan, more bonding. And niyaya ni Jonathan si David na lumabas para maglakad. It’s three in the morning,” kwento ni BB.

“Lumabas, naglakad silang dalawa, nag-uusap, nagkikilanlan and, again, kung ang pagbabatayan, eh kung ano ang nararamdaman ni Rustom noon, nabaitan siya kay Jonathan. Nakita niya ang sarili niya kay Jonathan when he was 23, when he was starting. In a matter of one day, lumalalim ‘yung connection, nagba-bonding nang sobra through pakikipag-usap. ‘Yung nagkukuwentuhan lang,” dagdag niya.

Tapos, nang bumalik na aniya sila ng bahay ay may nangyari: naghalikan sila.

“By the time na pumasok sila ng bahay, pretty much si Rustom, of course, nakainom na siya. Pero charmed, to say the very least, I think he found the guy, parang, genuine. So, kuwentuhan, kuwentuhan… Nagtanong si Rustom, ‘Saan ang restroom?’ Sa taas daw. So, umakyat, pasok sa restroom, weewee. Then, lumabas ng bathroom, pagbukas niya ng pinto, nandoon si Jonathan. And then we kissed.”

“It was probably the most felt kiss. It was deep, it was passionate, but it was also more than that. May feeling, eh.”

“But, it ended there when they realized may mga tao sa baba. They stopped, and then bumaba na si Rustom,” aniya pa.

Tapos nabanggit uli niya ang pangalang Piolo dahil nawala ang lalaki nang halos isang oras.

“And then, eto na, tawag na, hanap na. Nagkakagulo na pala sa hotel kasi hindi alam kung nasaan si ano. Isang oras na siyang hinanap. Pagdating ngayon ni Rustom sa hotel, naku, eto na ‘yung manager. Sabi sa kanya, ‘Saan ka nagpunta?’ Sabi ko, ‘Ha, dun nga sa amusement park.’ Sabi niya, ‘Kasama mo si Piolo?’ Sabi ko, ‘Hindi, nagkita lang kami sa baba, pero hindi siya sumama.’ All of a sudden, Rustom now is automatic, parang living a lie. Automatic,” kwento ni BB.

Matapos iyon, nagkaroon ng “private moment” at “male bonding” ang dalawa.

“While nag-iinuman sila at nag-uusap, parang biglang… Alam niyo naman ang dalawang tao na nag-e-enjoy sa isa’t isa, ‘di ba? Then, all of sudden, they realized na, ‘Wow, we are suddenly alone.’ Wala pa kasi akong pagkakataon na maging alone, honestly, that’s the truth,” sabi ni BB.

“I think David saw love in Jonathan’s eyes. If not attraction, but he saw something in Jonathan. And then they kissed again and again and again. They embraced, they kissed, but basically that. No touching, nothing, just really embracing and kissing. That was enough for Rustom, and then they slept, embracing each other.”

Nangako naman si BB na itutuloy niya ang kwento nina David at Jonathan sa kanyang susunod na vlog.

The post Rustom, Piolo naghalikan - BB first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/rustom-piolo-naghalikan-bb/)

Walang komento