Recent Posts

Breaking News

Ruffa dedma na sa kasal

Tila nadala na si actress Ruffa Gutierrez kaya ayaw na niyang magpakasal.

Sa panayam sa kanya ni Toni Gonzaga sa online show na “I Feel U”, kuntento na raw si Ruffa sa kanyang buhay at kaya niyang mag-isa kasama ang kanyang mga anak.

Kung hindi man daw ma-fulfill ng isang lalaki ang mga hinahanap niya ay goodbye na siya rito.

“I need a man that will grow with me. I need a man that will make me feel happy. And if he doesn’t fulfill that need anymore, okay bye!” ani Ruffa.

Pinaliwanag din niya kung bakit ayaw na niyang maikasal ulit.

“Ayaw ko nga magpakasal ulit eh, kasi ‘di ba you have to go through an annulment again. Tapos marami akong nakikitang marriages na parang they are just with their partners because for the kids, just to make it work,” aniya.

Pero kung darating man daw ang pagkakataon na may mag-propose sa kanya at naramdaman niyang tama iyon at magiging happy siya forever ay susunggaban niya.

“If the time comes that my partner will propose or I feel that it’s right and I feel that it will make me happy forever, kahit 70 pwede ako magpakasal. Why not?” dagdag niya.

Ikinasal si Ruffa sa Turkish businessman na si Yilmaz Bektas noong 2003. May dalawa silang anak, sina Lorin at Venice.

Inamin noon ni Ruffa ang naranasang pang-aabuso sa dating asawa nang sumama siya rito at tumira sa Istanbul.

The post Ruffa dedma na sa kasal first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/ruffa-dedma-na-sa-kasal/)

Walang komento