Recent Posts

Breaking News

Roque negatibo uli sa virus

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na nagnegatibo uli siya para sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Sa isang text message ngayong araw, sinabi ni Roque na iyon ang resulta ng kanyang swab test.

Nagpa-PCR test ang Palace official matapos mahawa sa COVID-19 ang isa sa kanyang mga security aide.

Nagpasya rin siyang mag-self-isolate bilang pag-iingat kontra virus.

Matatandaang nagnegatibo sa coronavirus si Roque matapos magpa-test dahil nakasalamuha si Interior Secretary Eduardo Año na nagpositibo sa COVID-19 sa ikalawang pagkakataon noong Agosto.

The post Roque negatibo uli sa virus first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/roque-negatibo-uli-sa-virus/)

Walang komento