Recent Posts

Breaking News

Roque muling sasalang sa swab test

Nakatakdang sumailalim muli sa coronavirus swab test sa Huwebes si Presidential Spokesperson Harry Roque matapos mag-self quarantine.

Nagpositibo kasi sa COVID-19 ang isa sa kanyang mga security aide.

Sinabi ni Roque na naka-schedule siyang sumailalim sa polymerase chain reaction (PCR) test sa ikalimang araw ng kanyang self-imposed isolation para matukoy kung nahawa ba siya o hindi sa kanyang aide.

Bagama’t negatibo ang resulta sa unang COVID-19 test noong Linggo, pinayuhan aniya siya na sumalang muli sa PCR test.

“On the fifth day of contact po, magpapa-PCR tayo bagamat mag-a-antigen test din po tayo,” ani Roque.

Dahil na-expose sa kanyang aide na nagpositibo sa COVID-19, hindi muna pumasok sa MalacaƱang si Roque at sa halip ay sa pamamagitan ng virtual teleconference na lamang nito pansamantalang ginagampanan ang kanyang tungkulin.

Isa na rito ang hindi personal na pagdalo sa regular na pulong ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Lunes.

The post Roque muling sasalang sa swab test first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/roque-muling-sasalang-sa-swab-test/)

Walang komento