Recent Posts

Breaking News

Robert Pattinson sapul ng COVID, Batman shooting natengga

RP

Kinailangang ihinto ang shooting ng ‘The Batman’ matapos kumpirmahin ng Warner Bros. na isa sa miyembro sa production ang nagpositibo sa COVID-19.

Hindi pinangalan ng naturang movie studio ang tinamaan ng virus, ngunit base sa Vanity Fair, ang sapul ng new coronavirus ay ang mismong lead actor na si Robert Pattinson.

Nakatakdang ilabas ang ‘The Batman’ sa October 31, matapos na mahinto ang shooting noong Marso dahil sa pandemya, at kakabalik lang para sa production tatlong araw ang nakararaan bago muling ipatigil dahil COVID-19 positive ang actor.

Bago gampanan ang ‘Batman’ role, nakilala si Pattinson sa hit-movie adaptation ng Twilight series kung saan tumayo siya bilang ang bampirang si Edward Cullen.

The post Robert Pattinson sapul ng COVID, Batman shooting natengga first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/robert-pattinson-sapul-ng-covid-batman-shooting-natengga/)

Walang komento