Recent Posts

Breaking News

Ridon siniwalat: Manila Bay white sand, ‘di lang P28M presyo

Kinontra ni Infrawatch PH convenor Terry Ridon ang pahayag ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Jonathan Malaya na P28 milyon lang ang ginastos sa Manila Bay white sand.

“Contrary to the disinformation of spokespersons from different agencies, the Manila Bay white sand project is P389 million, all for beach nourishment. This is not just P28 million for dolomite sand,” pahayag ni Ridon.

Binunyag din ng dating urban poor chief ng administrasyong Duterte, isang bidder lang ang pinasali sa proyekto.

Mayroon din aniyang 2.04% discrepancy o pagkakaiba mula sa inaprubahang P398 milyong budget.

Hindi rin daw nagbigay ang nanalong bidder ng diskuwento mula sa bid price, sa kabila na nag-iisa lang siyang bidder.

Bukod doon, hindi nakipagnegosasyon ang Department of Public Works and Highways para sa mababang project price.

Giit ni Ridon, kapag nag-iisa lang ang bidder, nagiging uncompetitive ang contract price dahil walang nag-aalok ng mas mababang halaga para sa proyekto sa gobyerno.

Kinuwestiyon din ni Ridon kung saan napunta ang malaking bahagi ng halaga ng kontrata.

“No one disputes that the dolomite sand costs P28 million, as this has already been admitted by DENR. But government should realize that this makes their case worse because, after other costs, fees and taxes, where will the remaining sizeable chunk of the contract price go?” wika ni Ridon.

“By any construction standard, whether by length or volume, the contract price remains high given estimated costs: This is the contract price per cubic meter: P2,361 for 164,700 cu. meters at P389 million. This is the estimated market cost of sand and labor for backfilling: P1,100 per cubic meter. Including profit, other costs, fees and taxes: P1,375 per cubic meter. At 40%: P1,540 per cubic meter,” paliwanag niya.

“Given these estimates, how will government now account for the remaining P986/P821 per cubic meter? Sa madaling sabi, saan pupunta ‘yung natitirang P162.394-M/P135.218-M?” dagdag ni Ridon.

The post Ridon siniwalat: Manila Bay white sand, ‘di lang P28M presyo first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/ridon-siniwalat-manila-bay-white-sand-di-lang-p28m-presyo/)

Walang komento