Recent Posts

Breaking News

Resto sa Abu Dhabi sumabog, 2 Pinoy patay

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs na sa gas explosion sa dalawang restaurant sa Abu Dhabi, United Arab Emirates noong Lunes, may dalawang Pilipino na pumanaw.

Ang pagsabog sa KFC at Hardee’s restaurants noong Agosto 31 ng umaga ay naganap sa Rashid Bin Seed Road na isang pangunahing daan patungo sa airport.

Kinilala ang mga biktima na sina Meeriner Bartoces at Clark Gasis, ayon sa isang ulat.

“It is with deep sadness that the Department of Foreign Affairs, through the Philippine Embassy in Abu Dhabi, shares the latest information that two Filipinos died from the unfortunate accident yesterday caused by a gas explosion at a restaurant at Sheikh Rashid Bin Seed Road,” wika ng DFA.

Ayon sa ahensiya, nakipag-ugnayan na si Philippine Ambassador to the UAE Hjayceelyn Quintana sa mga pamilya ng mga yumaong Pinoy at nangako na magbibigay sila ng kinakailangang tulong sa mga ito.

Nakikipagtulungan na rin umano ang Embahada sa mga lokal na opisyal para makakuha ng impormasyon sa iba pang mga Pinoy na nasugatan sa pagsabog.

Samantala, sinabi ng Abu Dhabi Government Media Office sa Twitter na ang pagsabog ay dahil sa “misalignment in the gas container fittings following refueling.”

Inabisuhan ni Quintana ang Filipino community sa Abu Dhabi na manatiling ligtas at alalahanin ang mga security at safety protocol doon.

The post Resto sa Abu Dhabi sumabog, 2 Pinoy patay first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/resto-sa-abu-dhabi-sumabog-2-pinoy-patay/)

Walang komento