Recent Posts

Breaking News

Remulla: Iwasan muna pumunta sa Tagaytay

Nagbabala si Cavite Governor Jonvic Remulla sa mga nagnanais pumunta sa Tagaytay ngayong bukas na ito sa mga turista.

Ayon kay Remulla, hindi muna dapat magtungo ang publiko sa naturang lugar dahil na rin sa COVID-19 pandemic.

“Iwasan muna natin kasi mataas ang COVID ngayon, lalo ngayon sa weather, mas mataas ang infection. So kung kaya niyong iwasan muna, umiwas muna kayo,” lahad ni Remulla sa panayam sa dzBB.

Aniya, iniiwasan din ng alkalde ng Tagaytay na dumugin sila ng tao dahil sa posibilidad na magkaroon ng outbreak sa lugar.

Para sa mga nais magtungo ng Tagaytay, nilinaw ni Joint Task Force COVID Shield Police Lt. Gen. Guillermo Eleazar na kailangang kumuha ng travel authority pass para makapasok sa naturang bakasyunan.

The post Remulla: Iwasan muna pumunta sa Tagaytay first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/remulla-iwasan-muna-pumunta-sa-tagaytay/)

Walang komento