Recent Posts

Breaking News

Release order ni Pemberton nabigay na sa BuCor

Naipadala na ng Malacañang sa Bureau of Corrections (BuCor) ang release order ni American murderer Joseph Scott Pemberton.

Pirmado ni Pangulong Rodrigo Duterte ang release order matapos nitong gawaran ng absolute pardon ang naturang convict, Lunes.

Kinumpirma naman ni BuCor Director General Gerald Bantag na nasa kanyang tanggapan na ang release order ng sundalong Amerikano.

“Opo,natanggap na namin ang release order ni Pemberton,” ani Bantag.

Bilang bahagi ng proseso, sinabi ni Bantag na dadalhin nila ang release order sa Kampo Aguinaldo sa Quezon City partikular sa tanggapan ng Joint United States Military Advisory Group o JUSMAG at kapag matapos agad ang proseso ay posibleng makalipad agad pabalik sa Amerika si Pemberton ngayong araw na ito.

“Kapag matapos agad ang ang proseso para sa paglaya ni Pemberton ay hindi malayong makalipad din ito palabas ng bansa sa loob ng araw na ito,” dagdag ni Bantag.

Sinabi ni Bantag na mula sa JUSMAG ay iko-commit si Pemberton sa Bureau of Immigration .

Si Pemberton ay nakakulong sa isang air conditioned na container van sa loob ng Kampo Aguinaldo at hindi sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City alinsunod sa probinsyong nakapaloob sa Visiting Forces Agreement (VFA) ng Pilipinas at Amerika.

The post Release order ni Pemberton nabigay na sa BuCor first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/release-order-ni-pemberton-nabigay-na-sa-bucor/)

Walang komento