Recent Posts

Breaking News

‘Red Vacance Black Wedding’ star Oh In Hye patay na

SDC

Pumanaw matapos matagpuang walang malay si South Korean actress Oh In-hye sa kanyang bahay noong Lunes.

Siya ay edad 36.

Napaulat na ayon sa Incheon Yeonsu Police at Songdo Fire Department, bandang alas-singko ng umaga, Setyembre 14, ay natagpuang na-cardiac arrest ang aktres sa kanyang bahay sa Songdo International City sa Yeonsu District, Incheon City.

Agad na sinagawa sa kanya ang CPR at iba pang emergency procedure bago isugod sa kalapit na ospital.

Napaulat na nanumbalik at nag-stabilize na ang pulso at paghinga ni Oh In Hye pero hindi na bumalik ang kanyang malay at tuluyan nang sumakabilang-buhay.

Samantala, inaalam ng pulisya kung nag-suicide ang aktres.

Taong 2011 nang magsimula sa pag-arte si Oh, sa pelikulang “Sin of a Family.”

Bumida rin siya sa “Red Vacance Black Wedding,” “Wish Taxi,” “Janus: Two Faces of Desire,” at “The Plan.”

The post 'Red Vacance Black Wedding' star Oh In Hye patay na first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/red-vacance-black-wedding-star-oh-in-hye-patay-na/)

Walang komento