Recent Posts

Breaking News

‘Red Vacance Black Wedding’ star Oh In Hye walang malay sa bahay

Natagpuang walang malay si South Korean actress Oh In-hye sa kanyang bahay.

Napaulat na ayon sa Incheon Yeonsu Police at Songdo Fire Department, bandang alas-singko ng umaga, Setyembre 14, ay natagpuang na-cardiac arrest ang 36-anyos na aktres sa kanyang bahay sa Songdo International Business District, Incheon.

Agad na sinagawa sa kanya ang CPR at iba pang emergency procedure bago isugod sa kalapit na ospital.

Napaulat na nanumbalik at nag-stabilize na ang pulso at paghinga ni Oh In Hye.

Samantala, inaalam na ng pulisya ang sanhi ng insidente.

Taong 2011 nang magsimulang umarte si Oh, sa pelikulang “Sin of a Family.”

Bumida rin siya sa “Red Vacance Black Wedding,” “Wish Taxi,” “Janus: Two Faces of Desire,” at “The Plan.”

The post 'Red Vacance Black Wedding' star Oh In Hye walang malay sa bahay first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/red-vacance-black-wedding-star-oh-in-hye-walang-malay-sa-bahay/)

Walang komento