Recent Posts

Breaking News

‘Realidad pinagtatakpan! White sand ng Duterte gov’t tulad ng Marcos term’

Tinutularan umano ng gobyernong Duterte ang hakbang ni dating Pangulong Ferdinand Marcos na gumawa ng ilusyon para maitago ang katotohanan gaya ng kawalan ng trabaho at mga human rights violation sa bansa.

Komento ito ni Youth for Human Rights and Democracy chairperson Christian Gultia nang mapaulat ang pamamasyal ng mga Pinoy sa Manila Bay beach front na pansamantalang binuksan sa madla ngayong weekend.

“Gaya nung panahon ni Marcos, ang tumatak sa tao ay yung visuals: infrastructures, napaayos na daan, napagandang estero,” sabi ni Gultia.

“It’s a manufactured illusion to hide the reality: kawalan ng trabaho, palpak na public heath response, human rights violations, etc.”

“Wake up,” aniya pa.

Binuksan nitong weekend ang Manila Bay kung saan maaaring magtungo ang sinuman para makita ang bunga ng beautification project ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Binatikos ng madla ang pansamantalang pagbubukas ng Manila Bay sa publiko dahil sa napaulat na paglabag sa physical distancing ng mga taong dumagsa rito.

May iba pang nagsabi na imbes na sa synthetic white sand project sa Manila Bay, dapat nilaan na lang ang pondo para sa pagsasaayos ng internet connectivity sa ‘Pinas na kailangan ng mga distance learner at home-based worker habang may pandemya.

The post 'Realidad pinagtatakpan! White sand ng Duterte gov't tulad ng Marcos term' first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/realidad-pinagtatakpan-white-sand-ng-duterte-govt-tulad-ng-marcos-term/)

Walang komento