Recent Posts

Breaking News

Ray Parks ‘natuyot’ ang katawan

LOOKING good daw sina Bobby Ray Parks at Simon Enciso, ayon kay TNT governor Ricky Vargas.

Galing ng US ang dalawang Fil-Ams, nahuli ng pasok sa bubble ng KaTropa sa Inspire Sports Complex sa Calamba.

Kinailangan munang mag-quarantine ng dalawa, nang ma-clear na ay saka nakisali sa workout.

Maliksi na ulit si Parks, nawala ang mga hindi kailangang timbang sa katawan. Sa higit limang buwang walang PBA, marami ang nagtabaan at bumigat.

“Bobby Ray is back, looking good. He lost a lot of weight, he’s down to 98 pounds,” ani Vargas. “Enciso is back and looking good also.”

Sunod sa protocol ang TNT, hindi pa raw sila naglalaro ng five on five. Binabawi nila ang pakondisyon sa dibdibang training para magkaroon ng stamina.

“Skill is important, and stamina is also important,” dagdag ni Vargas, chairman din ng PBA Board. “They’re working on that. By the start of the (PBA) bubble we’ll have the stamina to last.”

Nagdesisyon na ang PBA na sa Clark Economic Zone sa Pampanga itayo ang bubble para sa dalawang buwang pagpapatuloy ng season.

Hinihintay ng liga ang go-signal ng IATF para makapag-scrimmage na, target na ibalik ang Philippine Cup sa Oct. 9 para matapos ng Dec. 9 o 11. (VE)

The post Ray Parks 'natuyot' ang katawan first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/ray-parks-natuyot-ang-katawan/)

Walang komento