Recent Posts

Breaking News

Proteksiyon, benepisyo ng media tinutulak

Sinusulong ni Senate President Tito Sotto ang isang panukala na magbibigay ng proteksiyon, seguridad, at benepisyo sa mga manggagawa ng media industry sa bansa.

Ito’y bilang pagkilala sa mahalagang papel ng mga media sa paghubog ng mga polisiya ng gobyerno at sa opinyon ng publiko.

“At times when reliable and accurate information is crucial, such as today amid the menacing health impacts of the coronavirus disease (COVID-19) pandemic, media workers have set aside all fear and reason and have gone the extra mile to gather facts and figures to make the public fully aware of what is happening in their government and communities,” pahayag ni Sotto sa inihain nitong “Media Workers’ Welfare Act.”

Sa ilalim ng Senate Bill No. 1820, layon nito na bigyan ang mga media worker na komprehensibong benefits package na kapatay ng kasalukuyang benepisyong nakukuha ng labor force sa gobyerno at pribadong sektor.

“Our media workers have sacrificed a lot in the name of public service. They spend more time with their microphones and cameras, recorders and laptops than their beds, their fur babies and their loved ones,” sabi ng senador.

“It is time for the government to level up with them and provide them a safe and protected atmosphere conducive to a productive, free and fruitful media work,” sambit pa nito.

Binigyang-diiin nito ang napakalaking papel ng media sa lipunan o pamayanan kung saan sila ang naging boses ng sambayanan bukod sila ang nagdudugtong sa tao at mga lider ng gobyerno.

“Napakalaki ng papel na nilalaro ng ating mga reporter, ang kanilang mga cameramen at ang lahat ng bumubuo ng media industry sa ating pamayanan. Sapat lamang na pagtuunan sila ng pansin ng gobyerno at tapatan ang serbisyong kanilang ginagawa para sa ating bayan,” paliwanag ni Sotto.

Sa ilalim ng panukala, magkakaron ng basic compensation scheme sa media workers, gagarintiyahan ang ang kanilang security of tenure o regularisasyon sa trabaho, P500 kada araw na hazard pay para sa mga mapanganib ng coverage at dagdag na insurance benefits.

Pinanukala pa ng senador ang pagbuo ng “News Media Tripartite Council” na magsisilbing link ng iba’t ibang stakeholders na magbibigay sa media workers group at entities ng platform para makabuo ng mga policy decision na makaapekto sa industriya sa kabuuhan.

“It is high time that we provide the media workers their well-deserved emoluments and protection under the law,” sabi ni Sotto.

“The public’s need for quality, informative news can only be satisfied when our media workers feel safe and secure while in selfless pursuit of news and information,” dagdag pa nito.

The post Proteksiyon, benepisyo ng media tinutulak first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/proteksiyon-benepisyo-ng-media-tinutulak/)

Walang komento