Recent Posts

Breaking News

Prodigy ni Mayweather binaril

Pumirma ng kontrata noong 2016 ang boxing prodigy na si Danny Gonzales sa The Money Team ni former four-division world boxing champion Floyd Mayweather Jr.

Binaril ang 22 anyos na boksingero habang nasa Moreno Valley, California sa isang trahedya ng Lador Day sa Estados Unidos nitong Lunes.

Iniimbestigahan na ng pulisya ang krimen pati ang dalawang kasama ni Gonzales, na naitakbo pa sa isang ospital pero hindi na naisalba ang buhay.

Nasa 18 taon palang siya nang lumagda ng kontrata kay Mayweather tapos siyang hangaan ni Pretty Boy dahil sa astig manapak sa murang edad.

Minsang namutawi pa kay Mayweather na nakapulot siya ng ginto sa katauhan ni Gonzales.

The post Prodigy ni Mayweather binaril first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/prodigy-ni-mayweather-binaril/)

Walang komento