Recent Posts

Breaking News

Presidential power inabuso na naman ni Duterte – De Lima

Isa na namang pag-abuso ang ginawa ni Pangulong Rodrigo Duterte nang bigyan nito ng absolute pardon ang sundalong Amerikano na si Joseph Scott Pemberton na pumatay sa Filipino transwoman na si Jennifer Laude, ayon kay Senadora Leila De lima.

“Another abuse of a presidential power or prerogative; and an affront to the ideals of true and complete justice,” pahayag ni De Lima sa isang statement.

“Mr. Duterte just granted absolute pardon to Scott Pemberton and acted as if our country owed him time allowance for his early release. We don’t. It is Pemberton who owes our country a full sentence for murdering one of our own,” dagdag pa nito.

Maraming beses na rin umanong hindi nito kinampihan ang mga Pilipinong naghahanap ng hustisya.

“He refused to close our country to China when the pandemic was exploding in Wuhan,” halimbawa ni De Lima.

“He said nothing when our fishermen were being harassed and attacked by Chinese vessels in the West Philippine Sea,” dagdag pa nito.

Bukod diyan, patuloy pa rin ang pagkupkop ng pangulo kay Health Secretary Francisco Duque III sa kabila ang papel nito sa talamak ng korapsyon sa DOH at PhilHealth.

“He kept Sec. Duque in office, in spite of clear evidence of mismanagement and corruption in the DOH and PhilHealth,” ayon sa senadora.

“Si Duterte lang yata ang pangulo na hindi pumapanig sa sarili niyang sambayanan. Hanggang kailan pa ba titiisin ng ating bayan ang katrayduran na ito?” anang senadora.

The post Presidential power inabuso na naman ni Duterte – De Lima first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/presidential-power-inabuso-na-naman-ni-duterte-de-lima/)

Walang komento