Recent Posts

Breaking News

Pope Francis sa mga Katoliko: ‘Wag tsismoso!

“Ang tsismis ay isang salot na mas masahol pa sa COVID.”

Sabi ito ni Pope Francis sa kanyang mga dasal nitong Linggo.

Hindi niya binasa ang nakahanda niyang pahayag, at muli lang nagreklamo ukol sa tsismisan sa mga grupo sa simbahan at sa burukrasya sa Vatican.

“Gossip closes the heart of the community, closes the unity of the Church,” ayon sa Santo Papa.

“Please brothers and sisters, let’s try to not gossip. Gossip is a plague worse than COVID. Worse. Let’s make a big effort: no gossiping!,” bulalas niya pa.

Sinabi rin ni Francis na ang diyablo ay isang tsismoso na layong hatiin ang Simbahang Katoliko.

“The greatest gossiper is the devil, who always goes about saying the bad things of others, because he is the liar who tries to disunite the Church, to alienate his brothers and not to make community,” aniya pa.

Ginawa ng Papa ang pahayag habang nagpaliwanag siya sa pagbasa tungkol sa pagtama ng mali ng isang tao sa pribadong lugar at hindi sa publiko, na patakaran ng Simbahan sa mga kamalian ng mga pari at obispo.

Ayon naman sa mga survivor ng sexual abuse sa simbahan, dahil sa ganitong sistema ay natatakasan ng mga mapang-abusong taong simbahan ang parusa sa kanilang mga kamalian.

Samantala, una nang nagbabala si Pope Francis laban sa tsismisan noong 2016 at Nobyembre 2018.

The post Pope Francis sa mga Katoliko: 'Wag tsismoso! first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pope-francis-sa-mga-katoliko-wag-tsismoso/)

Walang komento