Recent Posts

Breaking News

Pondo sa Manila Bay white sand panggastos sana sa gadget, module ng mga mag-aaral – DepEd

Malaking tulong sana ang halos P400-milyong pondo para sa white sand project ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa Manila Bay para sa online learning ng mga Pinoy.

Ito ang tugon ni DepEd Secretary Leonor Briones nang tanungin siya ng mga reporter kung makatutulong ba ang P389 milyon sa DepEd ngayong tumutungo ang bansa sa distance learning habang may COVID-19 pandemic.

Ang P389 milyon ang katumbas na halaga ng kontrobersiyal na proyekto ng DENR para sa Manila Bay.

“Ang higit P300 milyong pondo para sa paglalagay ng artificial sand sa Manila Bay, kung maibigay man sa DepEd, ay maaaring magamit para ipambili ng gadgets at pag-print ng modules,” ayon sa kalihim, Setyembre 7.

“Pero siyempre, hindi kami nakikialam sa budget nang may budget,” paglilinaw niya pa.

The post Pondo sa Manila Bay white sand panggastos sana sa gadget, module ng mga mag-aaral - DepEd first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pondo-sa-manila-bay-white-sand-panggastos-sana-sa-gadget-module-ng-mga-mag-aaral-deped/)

Walang komento