Recent Posts

Breaking News

Political will, hindi emergency power, ang kailangan sa PhilHealth – Lacson

Bago isipin ang emergency power para maresolba ang isyu ng korapsiyon sa Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth), kailangan munang magkaroon ng matibay na ‘political will’ at simulan ito sa pamamagitan ng pagsibak kay Health Secretary Francisco Duque III.

“Emergency powers to reorganize PhilHealth? Try real, honest-to-goodness, strong political will first. For a start, fire its ex-officio chairman,” pahayag ni Lacson kanyang Twitter.

Si Duque ay nagsisilbing chairman ng PhilHealth board sa kapasidad nitong ex-officio.

Nauna nang nilagdaan ng 14 senador, kabilang si Lacson, ang isang resolusyon na nanawagan para sa agarang pagbitiw sa puwesto ni Duque dahil sa kahinaan sa pagtugon sa pandemya.

Nirekomenda din ng Senate Committee of the Whole na sampahan ito ng kasong kriminal dahil kuwestiyonableng pag-release ng bilyong pondo ng PhilHealth sa ilalim ng Interim Reimbursement Mechanism.

Pinabulaanan naman ni Duque ang aniya’y walang basehang alegasyon laban sa kanya.

The post Political will, hindi emergency power, ang kailangan sa PhilHealth - Lacson first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/political-will-hindi-emergency-power-ang-kailangan-sa-philhealth-lacson/)

Walang komento