Recent Posts

Breaking News

PlayStation 5 ilalabas sa Nobyembre

SDC

Isinapubliko na kaninang madaling-araw ng Sony kung magkano at kailan ilalabas ang PlayStation 5 console nito.

Sa tweet ng kompanya, Setyembre 17, sinabing ang standard version na may disc drive ay nagkakahalagang $500 o higit ₱24,000. Samantala, ang Digital Edition naman na walang disc drive ay may presyong $400 o higit ₱19,000.

Mabibili na ang PS5 simula Nobyembre 12, 2020 sa Amerika, Japan, Canada, Mexico, Australia, New Zealand, at South Korea.

Ang mga hindi nabanggit na bansa, bukod sa China, ay mabibili ito simula Nobyembre 19. Iaanunsiyo ang PS5 launch date sa China “at a later date”.

Available na ang pre-order sa PS5 simula bukas sa mga piling retailer, ayon sa Sony.

The post PlayStation 5 ilalabas sa Nobyembre first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/playstation-5-ilalabas-sa-nobyembre/)

Walang komento