Recent Posts

Breaking News

Pinoy talaga! Bebot sa Guam binato ang asawa ng lumpia

Naging viral ulit ang balita ukol sa isang babae na dahil sa sobrang galit ay binato ng lumpia ang asawa.

Sa isang Reddit thread, mababasa ang isang Pacific Sunday News article na sinasabing kinasuhan si Elaine Mesa Jones, 42, ng misdemeanor assault at family violence sa Superior Court of Guam.

Kwento ng mister ng babae sa pulisya, pag-uwi niya sa bahay ay binato umano siya ng “cup of lumpia sauce, a plastic plate of lumpia and a plastic plate of water” ng misis.

Hindi umano nakasaad sa court documents kung natamaan o nasugatan ang asawa at kung ano klase ng lumpia ang binato.

Ayon sa Guam Blog, September 2010 pa ang naturang article. Ginawa ang Reddit thread, September 5, 2020.

“Filipinos are Filipinos everywhere,” ayon sa isang Reddit user.

“Nanghinayang naman ako sa lumpia,” sambit ng isa pa.

“Bakit pati Lumpia dinadamay nila. Lol,” at isa pa.

The post Pinoy talaga! Bebot sa Guam binato ang asawa ng lumpia first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pinoy-talaga-bebot-sa-guam-binato-ang-asawa-ng-lumpia/)

Walang komento