Recent Posts

Breaking News

Pinoy survivor ng lumubog na barko sa Japan, uuwi sa ‘Pinas

Maayos ang lagay ng nag-iisang Filipino crew member na nasagip ng Japanese Coast Guard mula sa lumubog na barko sa Japan noong Huwebes.

Ayon sa Philippine Embassy sa Tokyo, nagpapagaling na sa ospital si chief officer Eduardo Sareno.

Ihahatid siya pabalik ng Pilipinas matapos ma-clear sa mga COVID-19 protocol.

Samantala, isa pang crew ang natagpuang walang malay sa karagatan nitong Biyernes.

Dineklara siyang patay sa ospital, ayon sa ulat ng Al Jazeera.

Miyerkoles nang mawala ang Panamanian-flagged cargo na Gulf Livestock 1 matapos makapagpadala ng distress call.

Sakay ng barko ang may 43 crew kabilang ang 39 Pinoy, dalawang New Zealander at dalawang Australian, at 5,800 na baka.

Nagmula sa Napier, New Zealand ang barko at patungo sana sa Chinese port na Tangshan.

Ayon sa Department of Foreign Affairs, lumubog ang cargo ship matapos hindi gumana ng makina nito sa gitna ng pagbayo ng bagyong Maysak. (IS)

The post Pinoy survivor ng lumubog na barko sa Japan, uuwi sa ‘Pinas first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pinoy-survivor-ng-lumubog-na-barko-sa-japan-uuwi-sa-pinas/)

Walang komento