Recent Posts

Breaking News

Pinoy komiks binuhay ng Penlab

Malaking bahagi ang mga komiks sa buhay ng mga 80s at 90s kid, kung saan nakuha ang ilang sikat na karakter sa Pinoy superhero films tulad ng Darna, Captain Barbell at Lastikman.

Ngayon, sa pamamagitan ng Kalabaw Kolektib ay maaari nang muling makabasa ng bagong akda ng mga new Pinoy artist na patuloy ang pagsusulong ng Pinoy komiks sa pamamagitan ng Penlab.

Nitong September 5 ay nilunsad na ang website na Penlab.ink para sa mga nais magbahagi ng kanilang mga obra, gayundin ang mga kabataan at kids at heart na muling makabasa ng mga bagong istorya mula sa mga Pinoy.

“We collaborated with other creators who wanted to share their comics to more people. We wanted to create a digital space for our shared love for Pinoy komiks, in the same way that cons let you find your favorites and discover new gems,” saad sa Instagram post ng Penlab.

Sa ngayon ay libre ang pagbabasa sa Penlab, ngunit planong magkaroon ng mga developer ng paraan para masuportahan ang mga artist sa kanilang pagpapatuloy sa paggawa ng komiks.

The post Pinoy komiks binuhay ng Penlab first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pinoy-komiks-binuhay-ng-penlab/)

Walang komento