Recent Posts

Breaking News

Pinoy death row convict sa Kuwait, nakauwi na sa ‘Pinas

Nakalaya at nakalipad na patungong Pilipinas ang isang OFW na dating hinatulan ng bitay sa Kuwait matapos itong bigyan ng clemency, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Saad ng ahensya, pinabatid ni Kuwait Chargé d’Affaires, Consul General Pendosina Lomondot na nagtungo na ng ‘Pinas si Bienvenido Espino noong Agosto 30, na nakulong at nasentensyahan pa ng death penalty dahil sa pagpatay sa kanyang kinakasamang Pinay.

Nakalaya si Espino sa pamamagitan ng clemency na binigay ng Amir ng Kuwait na si Sheikh Sabah Al-Ahmad Al-Jaber Al-Sabah.

“On behalf of President Rodrigo Roa Duterte, my deepest and most profound gratitude goes to His Highness The Amir for granting clemency to OFW Bienvenido Espino, and for giving our kababayan a chance to start a new life in the Philippines,” ayon kay Lomondot.

“No less than then-Presidents Gloria Macapagal Arroyo and Benigno S. Aquino III personally appealed to His Highness The Amir to grant clemency to OFW Espino. Even after his death sentence was reduced to life imprisonment in 2013, the Philippine government remained persistent in appealing for the Amir’s pardon, through our letters to the Kuwaiti Ministry of Foreign Affairs,” lahad pa.

Noong 2008 ay hinatulang guilty si Espino sa kasong murder at parusang bitay ang unang sentensya para dito, ngunit dahil sa tanazul o sulat ng pagpapatawad mula sa pamilya ng kanyang napaslang at pagbabayad ng blood money ay binaba ang hatol sa habambuhay na pagkakakulong.

The post Pinoy death row convict sa Kuwait, nakauwi na sa 'Pinas first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pinoy-death-row-convict-sa-kuwait-nakauwi-na-sa-pinas/)

Walang komento