Recent Posts

Breaking News

Pinoy bugbugan sa pinsan ng UFC lightweight champ

Bigatin ang makakaharap ni Fil-American Mark Striegl para sa kanyang unang salang sa UFC.

Sa October 17 ay matutuloy na ang naunsyaming debut ni Striegl sa MMA competition kung saan makakaharap niya si Said Nurmagomedov, pinsan ng kasalukuyang UFC lightweight champion na si Khabib Nurmagomedov.

Matatandaan na noong Agosto ay biglang tinanggal si Striegl sa laban kontra Timur Valiev matapos siyang magpositibo sa COVID-19.

Si Striegl ay isa sa pinakamahusay na MMA fighter ng ‘Pinas, tangan ang 18-2 win-loss record at featherweight champion din sa URCC.

Samantala, gigil namang makabawi si Said (13-2 record), matapos maputol ang kanyang seven fight win streak noong Disyembre 2019.

The post Pinoy bugbugan sa pinsan ng UFC lightweight champ first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pinoy-bugbugan-sa-pinsan-ng-ufc-lightweight-champ/)

Walang komento