Recent Posts

Breaking News

Ping: Ilang presidential appointee sayang sa tax, space!

Tinira ni Senador Ping Lacson ang ilan aniyang presidential appointee na hindi lang sayang sa buwis ng taumbayan kundi maging sa puwesto sa kanilang tanggapan.

Hindi niya naman pinangalanan kung sino ang mga pinatatamaang opisyales.

“Some presidential appointees are not just a waste of our tax money to pay for their salaries and other miscellaneous expenses. They are simply a waste of space in their offices,” tweet ni Lacson, Linggo.

Sinabi ito ng senador ilang araw matapos italaga si dating Senior Superintendent Cezar Mancao II bilang pinuno ng cybercrime center ng Department of Information and Communication Technology’s (DICT).

Naunang sinabi ni Lacson na may “presidential prerogative” si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagpili kay Mancao.

Matatandaang sinangkot dati ni Mancao si Lacson, na dating hepe ng pulisya, sa pagpatay kay publicist Salvador “Bubby” Dacer at drayber nito sa Cavite noong taong 2000.

The post Ping: Ilang presidential appointee sayang sa tax, space! first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/ping-ilang-presidential-appointee-sayang-sa-tax-space/)

Walang komento